Magkakaroon ng malawakang pagsasara ng mga kalsada sa Maynila mula Nobyembre 16 hanggang 18 para bigyang-daan ang tatlong-araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Rizal Park, na layuning ipanawagan ang transparency at accountability sa pamahalaan.
Ayon sa Manila Police District (MPD), ang mga isasara ng kalsada ay ang mga sumusunod:
1. Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo
2. Northbound lane ng Roxas Boulevard mula President Quirino Avenue hanggang Katigbak Drive
3. Bonifacio Drive (northbound at southbound) mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
4. Katigbak Drive and South Drive
5. Independence Road
6. P. Burgos Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue
7. Finance Road mula P. Burgos hanggang Taft Avenue
8. Ma. Orosa Street mula P. Burgos hanggang Kalaw Avenue
9. Kalaw Avenue mula Taft hanggang Roxas Boulevard
10. Palacio Street at Gen. Luna Street (Roundtable area)
Magpapatupad din ng rerouting ang MPD. Ang mga sasakyang mula McArthur, Jones, at Quezon Bridge na papunta sa Roxas Boulevard Southbound ay dadaan sa P. Burgos Avenue papuntang Taft Avenue.
Ang mga sasakyng galing naman sa Ma. Orosa at A. Mabini, kumanan sa United Nations Avenue papuntang Taft Avenue.
Kapag mula UN Avenue papuntang Roxas Boulevard, kumanan sa M.H. del Pilar Street.
Kung mula Bonifacio Drive naman, maaaring umikot sa Anda Circle o dumaan sa A. Soriano Avenue.
Ang mga sasakyan mula Intramuros, dumaan sa Magallanes Drive at kumanan sa P. Burgos Avenue
Ang mga truck at mabibigat na sasakyan mula Pasay, kumanan sa President Quirino Avenue
Mula Mel Lopez Boulevard (R-10), lumiko sa Capulong Street, dumiretso sa Yuseco Street hanggang Lacson Avenue.
Samantala, ayon sa Philippine National Police (PNP), mahigit 15,000 pulis ang ide-deploy para tiyakin ang kaayusan at seguridad sa kabuuan ng rally.
















