Tiniyak ng Department of Justice ang kahandaan nitong maisailalim si former Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Witness Protection Program ng kagawaran.
Ayon mismo kay Justice Spokesperson Polo Martinez, maaring magsumite ng aplikasyon si Zaldy Co sa DOJ upang mailagay sa naturang programa.
Ngunit kanyang nilinaw na ang pagbibigay ng proteksyon mula sa programa ay hindi awtomatikong iginagawad sa isang indibidwal.
Ito aniya’y sa pamamagitan ng boluntaryong pagsusumite ng aplikasyon upang maikunsiderang maisailalim sa ‘protection program’.
Kanyang sinabi na ang prosesong ito ay batay na rin sa naunang pahayag ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.
Subalit ibinahagi ni Justice Spokesperson Martinez na kinakailangan pa munang masuri ang testimonya ng isang indibidwal bago siya pormal at opisyal na mailagay sa programa.
Kung kaya’t kasunod ng rebelasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, pagtitiyak ng kagawaran na kanilang hindi isinasara ang pagkakataon upang mailagay siya sa WPP.
“Nothing prevents him from doing so if he wishes to apply. Wala pong prohibition if he does wish to file an application. But again, as with all other individuals who have filed applications with the WPP on a voluntary basis, we will have to assess whatever the contents of his testimony is, the authenticity of the same, and veracity of his claims,” ani Justice Spokesperson Polo Martinez.
Habang iginiit ng tagapagsalita na dapat muna siyang bumalik sa bansa para personal na ihain ang kanyang aplikasyon.
















