-- Advertisements --

Pormal ng itinalaga bilang bagong Kalihim ng Department of Justice (DOJ) si officer-in-charge Fredderick Vida.

Sinabi ni Vida na kaniyang natanggap ang confirmation of appointment nitong Miyerkules ng umaga.

Dagdag pa nito na kahit na nagpalit ng titulo ay hindi pa rin nagbabago ang trabaho niya sa DOJ.

Masyado pang maaga aniya na talakayin ang gagawin niyang pagbabago sa operasyon ng DOJ.

Nananatiling nakatuon pa rin ang trabaho niya sa pagpapatupad ng batas at pagprotekta sa karapatan ng mga Pilipino.

Magugunitang pinalitan ni Vida si DOJ Secretary Crispin Remulla na itinalaga bilang Ombudsman noong Oktubre.