Umaabot umano sa 14 na mga Pinoy seafarers ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansang Brazil.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador Marichu Mauro.

Ayon kay Mauro, 11 sa mga ito ay nakarekober na habang ang dalawa ay nananatili pa rin sa ospital.

Isa naman ang hindi pinalad sa deadly virus.

Ang naturang mga Pinoy ay hindi umano naninirahan sa Brazil kundi sakay sila ng barko at dumaong lamang sa pantalan.

Swerte rin naman daw ang mga kababayang Filipino sa Brazil dahil sa iilan lamang ang nahawa.

Ang Brazil ang pumapangalawa ngayon sa Amerika na may pinakamaraming kaso ng coronavirus na umaabot na sa mahigit 2.5 million.