Maharashtra
Maharashtra

Nasa 14 katao ang patay dahil sa malawakang pagbaha sa India.

Ayon kay Maharashtra Chief Minister Devendra Fadnavis na hindi nila inasahan ang matinding buhos ng ulan ng mahigit dalawang araw.

Mahigit 15,000 na residente ng Baramati ang inilikas.

Nagtalaga na rin ang gobyerno nila ng 38 emergency shelters para sa mga naapektuhang residente.

Bukod sa nasawi ay mayroong siyam na iba pa ang naitalang nawawala.