Mas mababa ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na bilang ng mga bagong nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas kumpara sa nakalipas na mga araw.
Ito ay makaraang iulat ng DOH ang 12,751 na bagong karagdagang kaso ng COVID-19.
Ang naturang report ay bahagyang nabalam ang paglalabas ng DOH dahil umano sa “technical glitches.”
Sa kabuuan ang mga COVID cases sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 2,134,005 na.
Ang mga aktibong kaso o mga pasyente sa bansa ay marami pa rin na nasa 151,135.
Samantala marami naman ang bagong naitalang mga gumaling na nasa 20,151.
Sa kabuuan ang mga nakarekober sa virus ay nasa 1,948,198.
Sa kabila nito umaabot sa 174 ang mga bagong namatay.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 34,672 na.
Gayunman mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Para sa DOH patuloy ang kanilang babala na sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19.
Kaya naman ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.
“Mahalaga rin aniya na mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan,” ani DOH advisory.