bomboigns
-- Advertisements --

Kinumpirma ng Pentagon na 12 sundalo nila ang nasawi sa pagsabog sa Kabul Airport sa Afghanistan.

Sinabi ni Gen. Kenneth “Frank” McKenzie, namumuno sa US Central Command, kabilang sa nasawi ang 11 marines at isang Navy Medics.

Mayroong 15 mga sundalo din nila ang nasagutan na dinala na sa pagamutan.

Sa kabuuan ay nasa 60 katao ang nasawi at 140 na ang sugatan.

Dagdag pa nito na inaalam pa nila kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing suicide attack.

-- Advertisement --

Magugunitang niyanig ng dalawang pagsabog ang Kabul airport na pinaniniwalaang kagagawan ng suicide bomber.

Iginiit pa rin ng Pentagon na tuloy pa rin ang ginagawa nilang paglikas sa mga mamamayan nila at mga Afghans.