Nakita na ng Bureau of Customs ang lahat ng 12 mga luxury vehicles na nakalista sa kanilang search warrant sa St. Gerard construction company sa lungsod ng Pasig.
Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na nitong gabi ng Martes, Setyembre 2 ng ang itong sasakyan ay isinuko at kasalukuyang nakaparada na sa compound ng St. Gerard Construction General Contractor and Development Corp’s sa Pasig City.
Kinabibilangan ito ng mga sasakyan na Rolls Royce Cullinan 2023, Bentley Bentayga, Mercedes Benz G-Class (Brabus G-Wagon), Mercedes AMG G 63 SUV 2022, Toyota Tundra 2022, Toyota Sequoia, at Cadillac Escalade ESV 2021.
Habang ang tatlong sasakyan na Mercedes Benz G 500 SUV 2019, GMC Yukon Denali SUV 2022 (Gas), at Lincoln Navigator L 2024 ay nasa authorized service centers dahil ito ay ipinapagawa.
Lahat aniya ng mga sasakyan ay sinelyuhan at ito ay binabantayan ng mga tauhan ng Bureau of Customs habang kanilang sinusuri kung mayroon bang paglabag ang may-ari gaya ng hindi pagbabayad ng sapat ng mga buwis at ilang mga dokumento sa mga imported na mga luxury cars.
Magugunitang nakakuha ng search warrant ang BOC sa korte para sa berepikasyon ng 12 sasakyan ay agad nila tinungo ang bahay ng may-ari na si Sara Discaya subalit nitong umaga ng Setyembre 2 ay mayroong dalawa lamang ang nakita nilang nakaparada sa bahay na nakalista sa warrant.
Dahil dito ay binalaan ng BOC si Discaya na mahaharap ito ng reklamo sakaling hindi mailabas ang mga sasakyan na nakalista sa kanilang search.
Pinasalamatan ng BOC ang tulong ng ilang ahensya gaya ng Department of Transportation (DOTr) – Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP) – Eastern Police District (EPD), Highway Patrol Group (HPG), Philippine Coast Guard (PCG), at mga barangay officials ng Bambang, Pasig City.