KORONADAL CITY – Arestado ang umaabot sa 12 mga drug suspects habang na-rescue naman ang isang menor de edad sa isinagawang buy bust operation ng Cotabato City PNP, City Police Drug Enforcement Unit sa Rosales St., Juliana Extension, Mother Barangay Rosary Heights sa lungsod ng Cotabato.

Base sa impormasyon naabutang nagsasagawa ng pot session ang target ng operasyon na si Tanto Abubakar Datukali alyas Tanto Dimaukom kasama ang iba pa at ang caretaker ng drug den na si Mokamad Gani Lagantao at ang isang hindi na pinangalanang menor de edad.

Narekober sa operasyon ang 12 pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng halos P400,000, baril, mga bala at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o pag-iingat ng mga iligal na armas ang kakaharapin ng mga suspek, samantalang na-turnover naman sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang menor de edad.