Sa wakas natuldukan na rin ang 11 winning streak ng Utah Jazz sa kamay ng Denver Nuggets, 128-117.

Naging matindi ang diskarte ng Nuggets sa pagharang sa Jazz kung saan ang big man na si Nikola Jokic ay kumamada ng 47 big points upang pantayan ang dati niyang career high at meron din siyang 12 rebounds para sa kanilang ika-12 panalo.

Bago ito hawak ng Jazz ang tinaguriang “NBA’s longest winning streak of the season.”

Nasayang naman ang muling pangunguna ni Bojan Bogdanovic sa Jazz gamit ang 29 points.

Minalas din ang pagbabalik ni Donovan Mitchell na meron lamang 13 points.

-- Advertisement --

Ang Filipino American player na si Jordan Clarkson ay meron ding 13 points.

Ang Utah ay hawak ang record ngayon na 15-5.