-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 08 13 46 48

DAVAO CITY – Nilinaw ngayon ng Southern Philippine Medical Center (SPMC) na pangunahing dahilan ng pag-resign ng kanilang mga frontliners ay ang personal na rason at hindi dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inihayag ni SPMC Officer in charge Dr Ricardo Audan, habang tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID 19 sa lungsod, dumarami rin ang bilang ng mga medical frontliners na nagdedesisyon na umalis sa kanilang trabaho sa ospital.

Nauna nang nag-resign ang anim na medical frontliners na nadagdagan pa umano ng lima, kaya umabot na ngayon sa 11 ang kabuuang bilang nito.

Dagdag pa ni Dr. Audan, mula June 25 hanggang sa kasalukuyan, nakapag-hire na ang SPMC ng dagdag na 32 nurses at patuloy pa rin umano silang tumatanggap ng mga aplikante upang mapunan ang bakante na aabot ng mahigit animnapong nurses.

Kinumpirma rin ni Dr. Audan na umabot na ng 131 ang kabuuang bilang ng mga frontliners ng SPMC ang infected ng virus at 34 ay mga doctor, 46 ay mga nurses, 21 ay mga nursing attendants, tatlong midwives, isang radiology technologist, isang physical therapist, tatlong respiratory therapists, limang medical technologists, tatlong pharmacists, apat mula sa housekeeping departments, habang 10 iba pang mga staff ng ospital.

Sa 131 cases, 101 ang discharga na at tanging 27 na lamang ang patuloy na admitted, habang tatlo na ang namatay.