Christine Dacera Instagram
-- Advertisements --
Christine Dacera

Nakapagsampa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng ilang several criminal charges laban sa 11 katao na may kaugnayan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Kasama sa mga sinampahan ng kaso sina Mark Anthony Rosales, Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Darwin Joseph Macalla, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymar Englis, Atty. Neptali Maroto, Louie de Lima at Southern Police District medico-legal officer Michael Nick Sarmiento.

Kung maalala si Sarmiento ang umano’y nag-utos na maembalsamo ang katawan ni Dacera na mayroong consent ang kanyang pamilya.

Kabilang sa mga kasong isinampa ng NBI sa Department of Justice (DoJ) ang administering illegal drugs, attempt to deliver or to give away illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imprudence resulting in homicide, falsification of an official document by a public officer.

Ang mga sinampahan ng kaso sa DoJ ay mga kailbigan ni Dacera na siya ring sinampahan ng rape at homicide sa Makati City Prosecutor’s Office.

-- Advertisement --

Si Dacera, 23-anyos na tubong General Santos ay namatay noong Enero 1 habang nagdiriwang ng Bagong Taon sa isang hotel sa Makati City.