DAVAO CITY – Patay ang 11-anyos na bata matapos itong malunod sa ilog ng Brgy. Indangan, Buhangin sa lungsod.

Nakilala ang biktima na si Anthony Abeñon, residente ng Mandug Proper Buhangin sa siyudad.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na naligo umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng bigla na lamang itong nawala.

Agad na rumesponde ang mga otoridad sa lugar ngunit tumagal ng tatlong oras bago narekober ang katawan ng biktima.

Pinayuhan na lamang ng mga otoridad ang mga magulang na huwag hayaang mag-isa at imonitor ang mga anak para maiwasan ang kaparehong insidente.