Nasa karagdagang $11.3 milyong dollar na halaga ng dagdag na tulong ang ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas para sa kampanya kontra sa Covid 19.
Ayon sa US Embassy sa Manila, ang pondo ay ipapagkaloob sa pamamagitan US Agency for International Development (USAID) bilang pang suporta sa vaccine rollout, at national response plan to detect, manage, and treat COVID-19 ng Pilipinas.
Sa karagdagang tulong na ito, aabot na sa 39 na milyong dollar ang nai-ambag ng USAID, US Department of State, at U.S. Department of Defense bilang Covid 19 Assistance sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya.
Sa ngayon mahigit 6 na milyong dose ng bakuna ang naipagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Sinuportahan din ng USAID ang 44-libong healthcare worlers at 800 ospital at klinika sa Pilipinas sa pamamagitan ng gamot, personal protective equipment (PPE), hygiene kits, at iba pang kagamitang pang-ligtas ng buhay.
Sa nakalipas na 20 taon, mahigit sa 600 milyong dolyar na ang naiambag ng USAID sa Philippine Health Sector.