Umaabot sa 27 pang mga Pinoy sa abroad ang panibagong naitala na nahawa sa COVID-19.

Kinumpirma ng DFA na ang naturang bilang ay nagmula sa apat na mga bansa sa Asia-Pacific at sa Europe.

Sa ngayon ang kabuuang tinamaan ng coronavirus sa mga Pinoy sa ibayong ay umakyat na sa 10,534.

Wala namang naitalang panibagong namatay at mga nakarekober.