Binasag na ng aktres na si Jessy Mendiola ang matagal nang usap-usapan na siya umano ang naging third party sa dating relasyon ni Luis Manzano.
Ayon sa naging panayam sa Ogie Diaz sinabi ng aktres na βNa third party ako,β tugon ni Jessy nang tanungin kung ano ang pinaka-masakit na fake news na naidikit sa kanya.
Bagamaβt sinubukan niya itong iwasan sa simula, inamin ng aktres ang bigat ng mga akusasyong matagal niyang pinabulaanan pero hindi pinaniwalaan ng publiko.
βKahit paulit-ulit kong sinagot, hindi ako pinapaniwalaan ng mga taoβ¦ kung ano ang tingin nilang totoo, yun ang paniniwalaan nila,β sabi ni Jessy. Kalaunan ay natutunan na rin niyang tanggapin ito. βSabi ko kay Lord, βSabihin na nila ang gusto nila. Basta alam kong darating ang tamang panahon at ire-reward mo ako.β
Para kay Jessy, dumating na ang βgantimpalaβ na iyon βang masayang pamilya nila ni Luis at ng anak nilang si Rosie. βNagkaroon ako ng magandang pamilya, at masaya na ako ngayon,β aniya.
Sa parehong panayam, inamin din ni Jessy ang epekto ng pagkatalo ni Luis sa 2025 Batangas vice gubernatorial race, hindi lamang kay Luis kundi pati na rin kay Vilma Santos, ina ni Luis at kasalukuyang gobernador ng Batangas.
Ayon kay Jessy, si “momskie” pa nga ang nagsimula ng panukala para pasukin ni Luis ang pulitika bilang paraan ng pagtulong sa kapwa.
Sa kabila ng pagkatalo, patuloy pa rin ang pagseserbisyo ni Luis sa Batangas. βTinutupad lang niya βyung mga binitawan niyang salita,β dagdag pa ni Jessy.
Sa dulo, sinabi ni Jessy na, βYou canβt please everyone. Pero kung payapa ka at alam ng Diyos ang laman ng puso mo, yun lang ang mahalaga.β