-- Advertisements --

Nasa 100 katao ang patay matapos ang naganap na landslide sa Afghanistan.

Ang walang humpay na pag-ulan ng ilang araw ang siyang naging sanhi ng pagguho ng lupain sa Charikar city sa probinsiya ng Parwan.

Mahigit 500 kabahayan naman ang nawasak dahil sa nangyaring insidente.

Pinangangambahan ng mga otoridad na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa marami pa ang naipit sa mga gumuhong gusali.

Sinabi ni Parawan Governor Fazludin Ayar, na karamihan sa mga biktima ay mga bata.
Nagsasagawa na sil ang mga rescue operations sa lugar.