-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Naipadala na ng Department of Social Welfare Northern Mindanao ang mahigit 100,000 relief packs para sa mga biktima sa lindol sa rehiyon ng 11 at 12.
Sinabi ni 4P’s spokesperson Oliver Inodeo na aabot sa 8,700 na supot nga mga pagkain, bigas, noodles at canned goods ang kanilang na-iturnover sa Davao City at North Cotabato LGU.
Maliban dito, nagpadala rin sila ng 9,000 kahon ng bottled water, tatlong libong malong at mga trapal.
Binanggit rin ni Inodea na aasahan umano ang karagdagang tulong mula sa ibat-ibang LGU ng Northern Mindanao.
Ikinatuwa rin ng ahensya ang ibat-ibant pamilya, grupo at mga indibidwal na naghatid nga kanilang mga tulong sa kanilang ahensya para sa mga biktima ng 6.6 magnitude na lindol.