-- Advertisements --

Patay ang 10 katao matapos ang naganap na pamamaril sa isang secondary school sa Graz City sa Austria.

Ayon sa mga otoridad na anim na babae at tatlong lalaki ang binaril ng suspek.

Matapos ang insidente ay nagpakamatay din ang suspek sa loob ng palikuran ng paaralan.

Gumamit ng dalawang baril ang 21-anyos na suspek na dating mag-aaral sa DreierschĂĽtzengasse high school.

Itinakbo naman sa pagamutan ang 12 katao matapos na magtamo ng sugat sa kanilang katawan.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.