-- Advertisements --

anti2

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang 10 indibidwal na inaresto ng mga tauhan National Capital Region Police Office (NCRPO) sa follow-up operations sa Cubao, Quezon City at Sta Maria, Bulacan noong Linggo September 12, 2021.

Ang mga ito ay nabatid na nagbibigay umano suporta sa mga teroristang grupo.

Kinasuhan na ang mga ito dahil sa paglabag sa RA 10168, Section 4 (Financing of Terrorism), RA 11479 o ang Anti-terrorism Act of 2020 at RA 10591 o ang Illegal Possession and Unlawful Selling of Firearms and Ammunition.

Isinailalim sa inquest proceedings ang mga ito habang sila ay inalalayan ng kanilang mga abogado.

Isinagawa ang inquest proceeding sa Hinirang Multi-purpose Hall, Camp Bagong Diwa- Bicutan, Taguig City na pinangunahan ni Senior State Prosecutor Peter Ong mula sa Department of Justice Counter Terrorism/ Terrorism Financing.

Ayon kay Prosecutor Ong, kung mapatunayang guilty ang mga suspeks, pang habambuhay na pagkabilanggo ang kanilang magiging parusa.

anti1

Ang nasabing reklamo na isinampa laban sa mga suspeks ay non-bailable offense.

Ang task force kung saan napabilang ang grupo ni Prosecutor Ong ay naka tutok din sa mga kaso ng Maute terror group, Dawlah Islamiyah, BIFF at Abu Sayyaf.

Nagbunsod ang operasyon ng NCRPO, matapos makarekober ng 36 na armas sa Samar, na naging dahilan sa pag-aresto sa 10 mga suspeks.

Ayon kay NCRPO chief MGen. Vicente Danao ang mga pieces of evidence na narekober ay pinaniniwalang nanggaling sa mga pira-pirasong armas for disposal ng manufacturers o winning bidders kung saan nabatid na ang mga nasabing parts ay inaltered para bumuo ng bagong armas na gagamitin para sa mga unlawful activities.

Siniguro naman ni Danao na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon para mabatid ang source at kung sinu-sino pa ang sangkot sa illegal trade and selling of firearms and ammunitions.

At sa sandaling matukoy kung sino ang iba pang mga kasapakat ay agad nila itong sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.