Photo © Maritime Bulletin

SENDAI, Japan – Patuloy na hinahanap sa ngayon ng mga awtoridad ang 14 na crewmembers ng isang cargo ship na lumubog sa Japan.

Nawawala pa rin kasi ang mga ito makaraang mabangga ang sinasakyang Belize-flagged cargo ship sa isang fishing boat sa northeastern Japan prefecture ng Aomori kagabi, ayon sa Japan Coast Gaurd.

Mabilis na lumubog ang 1,989-toneladang barko na Guo Xing 1 kasunod nang pagkakabangga nito sa fishing boat dakong alas-10:15 kagabi.

Kabilang sa mga pinaghahanap ay ang pitong Chinese, limang Vietnamese at isang Filipino.

Tanging isa lamang Vietnamese crewmember ang nasagip sa naturang pangyayari.

Nabatid na lulan ng cargo ship ang 3,150 tonelada ng scrap metal mula sa Hachinohe, Aomori Prefecture at dadalhin sana papuntang South Korea.