-- Advertisements --

Isang manggagawa ang nasawi matapos ma-trap sa isang bahagi  ng medieval Torre dei Conti sa Roma na gumuho.

Kinilala ang biktima na si  Octav Stroici, 66 na taong gulang.

Nakuha ang kanyang katawan halos isang oras matapos ang pagguho.

Sinubukan pa itong dalhin sa ospital pero sa ambulansya pa lamang ay nawalan na ng tibok ang kanyang puso.

Isa pang Romanian worker ang kabilang sa tatlong iba pa na nailigtas mula sa mga guho.

Nangyari naman ang pangalawang pagguho habang isinasagawa ang rescue operation na humadlang sa operasyon. 

Naglunsad ana  ang Rome Prosecutor’s Office ng imbestigasyon sa insidente.