-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala si Pope Leo XIV sa dumaraming mahihirap sa mundo.
Sa kaniyang misa sa Vatican bilang pagdiriwang ng “Jubilee of the Poor” hinikayat niya ang mga lider ng bansa na tugunan ang problema ng kahirapan.
Dagdag pa nito na ang mundo ay nananatiling sugatan ng bago at lumang uri ng kahirapan pero hindi nawawalan ng pag-asa ang lahat.
Maging ang mananampalataya ay mahalaga na tulungan ang mga mahihirap at huwag silang pabayaan.
Matapos ang misa ay kumain ang Santo Papa kasabay ang nasa 1,300 na mga homeless, disadvantage ,disabled at refugee na inimbitahan ng Vatican.















