CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang babae at tatlo ang nasugatan sa vehicular accident sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Mariam Hasan, may asawa at residente ng Barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

Sugatan naman sina Ibrahim Lumambas, Mustapha Talib at anak nitong si Mohammad Talib.

Ayon sa ulat ng Libungan PNP Traffic section na patungo ang dalawang motorsiklo at sakay ang mga biktima sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato para dumalo sa isang Tadzia Kanduli ngunit pagsapit nila sa bahagi ng national highway sa Libungan ay biglang lumiko ang kanilang sinusundan na multicab.

Dahil sa biglang liko ay bumangga sa likurang bahagi nito ang dalawang motorsiklo.

-- Advertisement --

Naisugod ang mga sugatan sa isang pagamutan sa Midsayap, Cotabato kung saan isa ang nasawi at tatlo ang nasugatan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Libungan PNP sa naturang pangyayari.