Binabalot ngayon ng takot ang buong komunidad sa Denver, Colorado matapos ang nangyaring pamamaril ng dalawang estudyante sa Colorado science and technology school.

Pito ang naitalang sugatan at isa namang estudyante rin sa nasabing paaralan ang namatay dahil sa insidente.

Kaagad na rumesponde ang mga otoridad sa paaralan matapos umano nilang makatanggap ng reports kung saan may mga nakarinig ng malakas na putok na nagmula raw sa paaralan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, bigla na lamang daw pumasok ang suspek sa classroom ng mga estudyante at saka nasimulang magpaulan ng bala.