-- Advertisements --

Ibinunyag ng Department of Homeland Security na iligal na nakapasok sa US ang suspek sa pang-aatake sa Coloroado.

Sinabi ni Department of Homeland Security Assistant Secretary for Public Affairs Tricia McLaughlin na ang suspek na si Mohamed Sabry Soliman ay walang anumang dokumento na legal itong nakapasok sa bansa.

Noong Agosto 2022 ng makapasok sa US sa B2 visa at ito ay nag-expired noong Pebrero 2023 kung saan naghain ito ng asylum noong Setyembre 2022.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na isang taon na naiplano ng suspek ang krimen.

Gumamit ang suspek ng flamethrower at molotov cocktails kung saan nasa walong katao ang nasugatan kabilang ang Holocaust survivor.

Dahil sa inisidente ay nanawagan ang Jewish community sa US na dapat ay mabigyan sila ng proteksyon para hindi na maulit pa ang insidente.