NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa nangyaring pammabaril at pananaksak sa Brgy. Tabion, Del Gallego, Camarines Sur

Kinilala ang napatay na suspek na si Romeo Laureciano at ang mga sugatang biktima na sina Jayson Dalma at Recardo Valera.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Del Gallego, napag-alaman na nag-ugat umano ang pangyayari sa away sa lupa.

Habang nag-iinoman ang suspek at biktima nagkaroon ng mainit na argumento.

Dahil dito, binaril ni Laureciano si Dalma at tinamaan ito sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Kaugnay nito, gumanti naman si Dalma at sinasak ang suspek na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Adaque habang inaawat nito ang komusyon.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang mga biktimang sina Dalma at Valera sa isang ospital sa lungsod ng Naga.