LEGAZPI CITY – Patay ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan kabilang na ang isang sanggol sa banggaan ng truck at tricylce sa Brgy. 18 Cabangan, Legazpi City.

Kinilala ang mga ito na sila Niño Mula, 20-anyos, Princess Nikki Aquino, 18-anyos at isang taong gulang na sanggol na residente kan P-4 San Roque at kasalukayang nakatira sa sa Brgy. 55 Upper Sirang, Estanza ng naturang lungsod.

Lumalabas sa paunang imabestigasyon na magkaibang deriksyon ang tinatahak ng supek na si Samuel Mabini at ng mga biktima.

Subalit pagdating sa pinangyarihan ng insidente biglang nag-overtake an truck sa isang van habang papunta sa naturang lungsod rason para mabangga ang tricycle na papunta sanang Albay District.

Dahil dito, tumilapon ang mga biktima sa kalsada kung sain nagtamo ng fatal head injury ang biktima na si Niño na dineklarang dead on arrival.

Sa kasalukayan, patuloy pang nagpapagaling sa ospital ang dalawang biktima habang nasa nasa kustodiya na ng Legazpi CPS ang akusado para sa karampatang disposisyon.