-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Bumulusok sa malalim na bangin ang sasakyan ng Bureau of Fire Protection (BFP-BARMM) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ang mga tauhan ng BFP-BARMM sa kanilang sasakyan mula sa Wao, Lanao Del Sur papauwi na sa Cotabato City ngunit pagsapit nila sa Barangay Barangiran, Alamada, Cotabato ay bigla itong nawalan ng preno at hindi na nakontrola ng driver ang manebela kaya dumiritso sa malalim na bangin sa gilid ng kalsada.
Agad na nagresponde ang PNP-Alamada at mga residente sa lugar kung saan dinala ang mga sugatan sa pagamutan.
Isa na ang napaulat na nasawi at 13 any sugatan sa mga tauhan ng BFP-BARMM.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Traffic section sa bayan ng Alamada, Cotabato.