-- Advertisements --

Nahanay ang Philippine women’s national futsal team sa matitinding mga koponan para sa FIFA Futsal Women’s World Cup na gaganapin sa bansa.

Sa isinagawang draw ceremony sa Bonifacio Global City Arts Center sa lungsod ng Taguig ngayong Setyembre ay makakasama ng Pilipinas sa Group A ang Poland, Morroco at Argentina.

Habang sa Group B ay maghaharap ang Spain, Thailand, Colombia at Canada.

Sa Group C naman ay binubuo ng Portugal, Tanzania, Japan at New Zealand.

Sa Group D naman ay maghaharap ang Brazil, Iran , Italy at Panama.

Magiging solo venue na lamang ang Philsports Arena sa Pasig matapos na tanggalin ang Victorias City sa Negros Occidental.

Dahil sa iisa na lamang ang venue ay inaasahan ng Philippine Football Federation (PFF) na dudumugin ito ng mga football fans.