-- Advertisements --
Kidapawan N1 1

CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at isa ang nasugatan nang makoryente sa ginagawang signage ng isang money remittance center sa Kidapawan City,

Nakilala ang binawian ng buhay na si Oyarzabal Berangel na residente ng Talomo Davao city habang ang sugatan ay si Johnery Datoon, 31, na taga-Tulunan, Cotabato.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP na habang naglalagay ng signage ang mga biktima sa entrance ng Megamarket ay nasagi nito live wire ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco).

Dahil sa lakas ng boltahe ng koryente ay on the spot na nasawi si Berangel habang naisugod sa pagamutan si Datoon.

Nagpaalala naman si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa mga naglalagay ng signage at iba pa na mag-ingat para iwas disgrasya.

-- Advertisement --