Panalo ng gold medal ngayong gabi sa kaniyang laban si Jerry Olsim kontra kay Klinming Sarayut ng Thailand para sa 69 kg mens kick light sa nagpapatuloy na kickboxing events ng SEA Games 2019.

Nakuha lahat ni Olsim ang lahat ng rounds para sa kanilang sagupaan.

Ginanap ang laban sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Samantala, sasabak na rin sa medal round si Jean Claude Saclag.

Kasunod ito ng panalo niya kontra kay The Huong Nguyen ng Vietnam.

Nagharap ang dalawa sa 63.5 kg low kick men – semi finals.

Samantala, bigo naman si Jomar Balangui kontra kay Pham Ba Hoi ng Vietnam.

Pero makukuha pa rin nito ang silver medal.

Talo rin si Dacquel Renalyn ng womens 48 kg full contact laban kay Nguyen Thi Hang Nga ng Vietnam.