-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isinailalim sa 14-day quarantine lockdown ang Brgy Poblacion sa lungsod ng Cotabato matapos maitala ang kauna-unahang COVID-19 related death case.

Ayon kay Secretary to the Mayor Atty. Kitem Kadatuan Jr., ang pumanaw ang isang 52-anyos na fish vendor na residente ng Poblacion 6, Cotabato City.

Ayon kay Kadatuan, sarado ang lahat ng mga entry at exit points sa Poblacion 6 na nangangahulugang walang pwedeng lumabas o pumasok sa lugar.

Dagdag pa ni Kadatuan, pansamanta ring ipapasara ang City Arcade o ang Old Market at lahat na kalapit na mga establishemento upang magsagawa ng contact tracing pati na ang disinfection at decontamination sa lugar.

Sa ngayon, 10 katao na ang tinututukan ng City Health Office matapos magkaroon ng close o direct contact sa namatay na fish vendor.

Nagpaalala naman ang City Government ng Cotabato sa publiko na manatiling mahinahon at huwag mag-panic at sundin na lamang ang itinakdang health protocols upang makaiwas sa pagkahawa sa nakamamatay na sakit na COVID-19.