-- Advertisements --

Lumutang ang pagkabeterano nina Danilo Gallinari at Chris Paul upang tulungan ang Oklahoma City at malampasan ang muling pagpapakitang gilas ng Pelicans rookie na si Zion Williamson.

Umiskor si Gallinari ng 11 mula sa kabuang 29 points sa fourth quarter, habang si Paul naman ay nagtapos sa 14 points at 12 assists para idispatsa ng Thunder ang New Orleans, 123-118.

Sa ikawalang pagkakataon kasi si Williamson ay nagtala ng mahigit sa 30 points nang iposte ang 32 points para sa New Orleans.

Ilang beses na nagtangkang lumapit ang Pelicans (23-32) sa kalamangan ng Thunder (33-22) mula sa dominanteng diskarte ni Zion.

Pero hindi nagpabaya sina Gallinari at Paul at mamantine ang distansya.

Nagpadagdag sa malas ng Pelicans ang pagkawala sa ikatlong game ng first-time All-Star na si Brandon Ingram bunsod ng right ankle sprain.

Sa kabila nito posible pa rin daw na makalaro si Ingram sa All-Star game na gaganapin ang laro sa Lunes.