Pelicans Zion Williamson
Zion Williamson (photo from Pelicans, @Zionwilliamson)

Ipinagmalaki ni Pelicans coach Alvin Gentry ang ipinakita ni Zion Williamson sa kanilang unang full practice sa nakalipas na apat na buwan na ginanap malapit sa Orlando, Florida.

Ginamit ni coach ang salitang “looked great” na nagpapakita lamang daw na kondisyon na kondisyon si Williamson ilang araw bago ang July 30 NBA restart.

Binigyan naman nito ng kredito ang stepfather na Williamson upang palakasin ang conditioning nito kahit nasa lockdown ang kanilang bansa.

“He’s made a lot of strides in his shooting,” ani coach Gentry.

Kinumpirma naman ni Zion, 20, na naging katuwang nga niya ang kanyang stepfather na si Lee Anderson upang ihanda ang kanyang sarili para sa pagbabalik ng NBA season.

Pakiramdam daw niya mistulang “limang taong gulang” lamang siya nang muling magbalik sa square one habang nasa quarantine.

Samantala ang 65-anyos na si Gentry ay binigyan na rin ng clearance na mag-coach sa Florida sa kabila na ito ay senior citizen na.