-- Advertisements --

Naniniwala si Philippine Durg Enforcement Agency (PDEA) director-general Aaron Aquino na siya ring chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na imposible ang nais mangyari ni Vice President Leni Robredo na “zero killings” sa anti-drug war.

Si VP Robredo ay bagong drug czar at co-chair ni Aquino sa ICAD.

Sinabi ni Usec. Aquino, kaya nito iniimbitahan si VP Robredo na sumama sa mga anti-drug operations ng PNP at PDEA para malaman nito ang mga nangyayari sa ground.

Ayon kay Usec. Aquino, dito masasaksihan ni VP Robredo ang ginagawa ng mga operatiba sa bawat sitwasyon kung saan maaari siyang magtanong o magkomento kung bakit ginawa o hindi ginawa ang isang bagay.

Idinagdag pa ni Aquino na mas magiging epektibong drug czar ri VP Robredo kung makikita nitong armado ang mga drug suspects at lumalaban sa mga pulis o PDEA agents.