-- Advertisements --

Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russia na pinapatagal ang oras para tuluyang matapos na ang giyera nila.

Sinabi nito na maraming mga kakaibang kondisyon na inihihirit ng Russia na nagpapakita na hindi ito interesado sa peace deal.

Una kasing inanunsiyo ni US President Donald Trump na nakausap niya sa telepono sina Zelensky at Russian President Vladimir Putin kung saan agad umang uusad na ang usaping pangkapayapaan.

Tinawagan naman ni Zelensky ang ilang mga kaalyadong bansa nito sa Europa kung saan handa silang i-pressure ang Russia para tumugon usaping pangkapayapaan.

Ilan sa mga ginawa ng EU ay ang pag-blacklist sa halos 200 na mga oil tankers ng Russia kapag hindi tumugon sa usaping pangkapayapaan.