-- Advertisements --

Hinikayat ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang European Union na suportahan ang plano nito ukol sa pagpapalakas ng kaniyang military defense.

Isa sa mga iniaalok nito ay ang ilabas ang bilyong euros mula sa frozen Russian cash para mapondohan ang kaniyang military defense.

Sa ginawa ring pulong ng European Union ministers na nag-usap na sila ukol sa bilyong euros na halaga ng frozn Russian cash na maaaring ipahiram sa Ukraine bilang “reparations loan”.

Giit ni Zelensky na mahalagang pumayag ang EU dahil sa dinalang giyera ng Russia ay marapat na giyera rin ang kabayaran nito.