Ipinanawagan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy sa mga kaalyado noong Biyernes, Agosto 29 na itaas ang usapan sa mga kaalyado nito ang garantiya sa seguridad ng Ukraine, lalo’t patuloy ang pagsalakay ng Russia.
nagpahayag naman ng suporta ang mga defense ministers ng European Union para sanayin ang mga tropang Ukrainian sa loob mismo ng Ukraine sakaling magkaroon ng tigil-putukan.
Ayon kay Zelenskiy, nais niyang makakuha ng mga “NATO-like” na pangako mula sa mga kaalyado, at binanggit na nais din niyang makausap si U.S. President Donald Trump hinggil sa seguridad.
Sa New York, nakipagpulong naman ang kanyang chief of staff na si Andriy Yermak, kay U.S. envoy Steve Witkoff upang pag-usapan ang pagpapaigting ng presyon laban sa Russia, kasunod ng pag-atake sa Kyiv na ikinasawi ng 25 katao.
Nagpahayag si Yermak na hindi pa rin nagpapakita ng kagustuhang makipag-ayos ang Russia. Kaya’t iginiit niya ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na tulong mula sa Amerika at Europa, lalo na sa usapin ng seguridad.
Ipinunto rin ni Zelenskiy na nais ng Ukraine ang legal na garantiya tulad ng sa 1994 Budapest Memorandum kung saan nabigong pigilan ang pananakop ng Russia.
Samantala, nag-anunsyo ang Germany at France ng mas malalim na kooperasyon sa depensa, kabilang ang isang missile early-warning system.