Mariing namang itinanggi ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang walang basehan na akusasyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco.
Sinabi ni Co na hindi siya ang mastermind at pinayagan ang umano’y last minute budget insertions at realignments in itemsa sa 2025 General Appropriations Act.
Pagtiyak ni Co na lahat ng items sa 2025 GAA ay aprubado sa plenary sessions.
Ngayong araw nagbitiw na bilang partylist congressman si Co.
Ginawa ni Co ang anunsiyo sa kaniyang official facebook page.
Sa mensahe ng kongresista, kaniyang inihayag na mabigat man sa loob niya, nagdesisyon siyang magbitiw sa kaniyang tungkulin bilang kongresista.
Biningyang-diin ni Co na sa panahon ng kanyang panunungkulan, sinabi niyang sinikap niyang maging tunay na tagapagsilbi ng mga Pilipino, lalo na ng mga taga-Bicol.
Ayon sa kongreista, hindi naging madali ang kaniyang desisyon, pero ito raw ay para sa kapakanan ng kanyang pamilya at ng mga taong patuloy niyang pinaglilingkuran.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Natanggap na rin ng Office of the Speaker ang resignation letter ni Rep. Co ngayong araw bandang alas-2:35 ng hapon.
Sa sulat ni Rep. Co kay Sepaker Bojie Dy III kaniyang tinukoy ang bganta sa kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya.
Nakikita din nito na hindi siya mapagbigyan ng due process sa kinakaharap niyang alegasyon dahilan na nagdesisyon siyang mag resign.
Mariin din itinanggi ni Co kanilang hayagang ipinapakita ang kanilang magarbong pamumuhay sa publiko.