-- Advertisements --

Ayaw na umanong magkamali ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach pagdating sa pakikipagrelasyon.

Paliwanag ito ng 30-year old half German beauty na tubong Cagayan de Oro matapos na ngayon lang inamin na boyfriend na nito ang Venezuelan businessman na si Jeremy Jauncey.

Ayon sa pangatlong Pinay Miss Universe, “wrong move” ang maaga nitong pag-amin sa love life pero hindi naman binanggit kung ito ba ang “nakaraan” nila ng half Pinoy car racer na si Marlon Stockinger.

Pia and Marlon
Pia with Marlon

“There was definitely an immediate spark. We couldn’t stop talking. I found him to be such a warm person and I like that he was always smiling,” kuwento ni Pia sa magazine na Tatler Philippines.

Dagdag nito, “We wanted to make sure we set a good foundation for our relationship before we came out in the open. I’ve made a mistake of sharing too much too soon before, and I wanted to make sure I did it right this time.”

-- Advertisement --

Sa panig naman ng negosyante, talagang hinintay nito si Wurtzbach bilang respeto dahil kakagaling nga lang sa failed relationship.

“She sets the parameters and I happily accepted. It was a chance to show that I was serious about her and that I want to be a gentleman about it, which was very important to me,” saad ng 34-year-old professional traveler.

Pia Wurtzbach

Si Jauncey na lumaki sa Scotland ay Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.

Kung maaalala, tatlong taong tumagal ang “on and off” love story nina Pia at Marlon na sumibol noong 2016.

Samantala, tahimik pa rin si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray, ilang linggo matapos aminin ni Sam Milby ang kanilang relasyon.