-- Advertisements --

Nagsimula na ang ilang programa ng World Youth Day sa Lisbon, Portugal.

Inaasahang aabot sa isang milyon ang bilang ng mga kabataan at mga opisyal ng simbahan mula sa iba’t-ibang bansa ang dumalo sa limang araw na kaganapan.

Marami ang natulog sa mga paaralan, gyms, fire stations habang ang ilan ay pinili na magtayo ng tent sa open grounds kung saan ginaganap ang programa.

Sa araw pa ng Huwebes ang inaasahang pagdating ni Pope Francis na siyang mangunguna sa misa.

Ang nasabing okasyon ay pinasimulan noon ng namayapang si Pope John Paul II na ngayon ay isa ng Santo.