Nabasag na ang pangarap ni world No. 1 Novak Djokovic na mahawakan ang lahat ng apat na Grand Slam titles nang sabay-sabay.

Ito’y makaraang biguin ito ni Dominic Thiem sa kanilang pagtutuos sa semifinals ng French Open.

Pinayuko ni Thiem ang 32-year-old Serbian star 6-2 3-6 7-5 5-7 7-5 sa semis, na nag-umpisa noong Biyernes ngunit tatlong beses na naudlot dahil sa masungit na panahon.

Haharapin ng fourth seed si 11-time champion Rafael Nadal ngayong Linggo, na mistulang repeat ng final noong nakaraang taon.

Ang 25-anyos na si Thiem ang unang Austrian player na nakausad sa ikalawang Grand Slam final.