-- Advertisements --
SEA GAMES
SEA Games

Kakaibang opening ceremoy ang matutunghayan sa pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games ngayong araw , Nobyembre 30.

Kinuha ng organizer ng SEA Games ang Los Angeles-based live content creators para sa world-class performance.

Ang nasabing content creators ay siyang nasa likod ng Olympic ceremonies sa London noong 2012 at 2014 Sochi Winter Olympics.

Pangungunahan naman ng tinaguriang Asia’s Nightingale Lani Misalucha ang pagkanta ng Philippine National Anthem.

Susundan ito ng pagtatanghal dancers mula sa Ramon Obusan Folkloric Group ganun din ang mga performance ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang colleges at unversities sa bansa.

Nakatakdang magtanghal din sina Christian Bautista, Aicelle Santos, Jed Madela, Elmo Magalona, KZ Tandingan, Iñigo Pascual, The TNT Boys, Ana Fegi, Robert Seña at Apl.de.ap.

Kakantahin ng nabanggit na singers ang 2019 SEA Games theme song na “We Win As One”.