DAVAO CITY – Bumaba na ngayon ang mga workplaces sa lungsod na isinailalim sa lockdown matapos na tumaas rin ngayon ang kooperasyon at suporta sa mga opisina at mga establisamento sa lungsod.
Ayon kay Davao City COVID-19 Task Force spokesperson Dr. Michelle Schlosser, nga kahit bumaba ang bilang nga mga establisyemento na isinailalim sa lockdown, tumataas naman ang mga isinailalim sa house lockdowns.
Sinabi rin nito na ang zoning containment strategies ay gaya ng pagpapatupad ng lockdowns sa lungsod, buildings, streets, purok, at barangay ang ipatupad sa National Task Force mula ng magsimula ang pandemic noong 2020.
Una ng pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang isang BPO Company na nagpatupad ngayon ng health at safety protocols base na rin sa guidelines na inilabas ng Department of Health (DOH).
Maliban nito, may sariling contact tracing na rin ang BPO company ito ay para matiyak na loob ng 24 oras makompleto na nila ito para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay Schlosser kailangan bukas ang komunikasyon ng mga establisamento sa pagitan ng lokal na pamahalaan at City health office sa siyudad.