-- Advertisements --

Patungo na sa China ang national women’s futsal team ng bansa na “Filipinas”.

Sasabak ang national team sa 2025 AFC Womens’ Futsal Asian Cup na gaganapin sa Hohhot, China mula Mayo 6 hanggang 18.

Kasabay din nito ay inilunsad ng Philippine Football Federation (PFF) ang opisyal na pangalan ng futsal team ng bansa at ito ay “FILIPINA5”.

Habang ang men’s futsal team ay mananatili sa Philippine Men’s National Futsal Team.

Pangungunahan ni Spanish head coach Rafa Merino Rodrigo ang 15 miyembro ng “Filipina5”.

Sa kasalukuyan ay nasa ranked 55 sa buong mundo ang womens futsal team kung saan sila ay nahanay sa Group B kasama ang world number 9 na Iran, Number 11 na Vietnam at world number 29 na Hong Kong.

Ang Iran ay naging kampeon na ng AFC noong 2015 at 2018 habang ang kasalukuyang kampeon ng Southeast Asian ang Vietnam.

Unang makakaharap ng FILIPINA5 ay ang Iran sa Mayo 7 ng alas-11 ng umaga habang susunod na makakaharap ang Vietnam sa Mayo 9 at ang Hong Kong naman sa Mayo 11.