-- Advertisements --

Pinaghahandaa ng women’s football team ng bansa na Filipinas ang laban nila sa finals kontra Vietnam sa nagpapatuloy na 33rd Southeast (SEA) Games sa Bangkok, Thailand.

Nakapasok sa gold medal match ang Filipinas matapos talunin ang home team na Thailand 4-2 sa penalties matapos ang 1-1 na tabla sa extra time.

Nakamit nina Sara Eggesvik at Hali Long ang decisive goals para sa Filipinas habang nabigo ang Thailand sa dalawang attempts nila.

Makakaharap nila sa finals ang Vietnam.

Sakaling magkampeon ay ito na ang unang pagkakataon na magwagi ang Filipinas ng gold medal matapos na makakuha lamang ng bronze medals noong 1985 sa Bangkok at naulit pa ito matapos ang tatlong taon sa Hanoi.