-- Advertisements --
Wall John
John Wall/ IG post

Hindi maitago ni Washington Wizards point guard John Wall ang kaniyang kasabikan na makapaglaro na.

Sinabi nito na nasa 110 percent na siyang handa.

Malusog at kating-kati na ito sa makapaglaro muli.

Huling naglaro ang 29-anyos na palyer noong Disyembre 28, 2018 bago ang operasyon niya sa kaliwang sakong at lumala pa ito ng mapunit ang kaliwang Achilles tendon nito habang nagpapagaling noong Pebrero 2019.