-- Advertisements --

Ipinagdasal ng Catholic leader na si Pope Leo XIV ang mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa Colombia noong Lunes, Agosto 10, na kumitil na ng mahigit 250 katao at ikinasugat ng mahigit 1,000 iba pa.

Sa isang mensahe, nagpahayag ng lubos na pagluluksa ang pontiff kasunod ng lindol na tumama sa iba’t ibang parte ng bansa, kasabay ng pagaalay ng dasal para sa “eternal rest” ng mga pumanaw at para sa mabilis na paggaling ng lahat ng mga apektado ng trahediya.

Nagpaabot din ng taus-pusong pakikiramay si Pope Leo sa mga pamilya, na labis na nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Santo Papa sa lahat ng mga nagtratrabaho nang may buong dedikasyon sa isinasagawang search and rescue operations at sa mga nagbibigay ng relief assistance sa mga apektado ng lindol.

Sa huli, ipinagdasal ng Santo Papa, sa pamamagitan ng intercession ng Mahal na Birheng Maria, ang pagbibigay ng mga biyaya ng epiritwal na kalakasan at pag-asa sa mga mamamayan ng Colombia at binasbasan ang mga ito.

Ipinaabot ng Santo Papa ang mensahe sa telegram na nilagdaan ni Cardinal Secretary of State Pietro Parolin at naka-address kay Archbishop Francisco Javier Múnera Correa of Cartagena, presidente ng Colombian Bishops’ Conference.