-- Advertisements --

Patuloy na nakararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa epekto ng habagat o Southwest Monsoon.

Kabilang sa mga lugar na direktang naaapektuhan ng habagat ang Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, at Bulacan.

Damay rin sa mga pag-ulan ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Palawan, Marinduque, pati na rin ang Occidental at Oriental Mindoro.

Samantala, binabantayan din ang isang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling natagpuan ang naturang tropical depression sa layong 1,990 kilometro sa silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na umabot sa 55 km/h at bugsong hanggang 70 km/h habang kumikilos pakanluran-hilagang-silangan sa bilis na 30 km/h.